Sunday, November 02, 2008

Poetry

Bigla na lang pumasok sa kukote ko ang magsulat pagkatapos kong basahin ang reply ni Aiza sa email ni Pune. Last week ko pa nabasa 'yung email ni Pune pero parang walang dating sa akin dahil sa porma na rin ng kanyang pagkakasulat - bullet type na parang reminders ng mga boss mo. Sa totoo lang, parang gusto ko lang na palipasin ng kusa ang oras at araw at conveniently, masasabi kong, "Ay, sori. Hindi ako nakareply. Sobrang busy ko kasi". Samantalang ang sagot ni Ate Aiza ay punong-puno at nag-uumapaw sa personal touches. Ika nga'y, hindi mo maipagkakaila na siyang-siya (letter footprint). Marami-rami na rin akong nakitang kumposisyon ng sulat, mostly sa newspaper lang, pero ang malapit sa akin ay 'yung mga tipong binabasa ni Ate Danielle na mga short stories na mga nakakatawang realidad ng buhay-buhay natin. Sa akin ngang pakiwari, albeit mga bihasa na silang manunulat, ay may hawig o wangki na ring masasabi.

Halimbawa, pag-usapan natin si Ate Aiza.

Sino ba ang magsasabi na gaganda ng ganyang kaganda si Ate Aiza? Aba e nung bata pa iyan e nagagalit ako dyan dahil sumasampa pa iyan si inodoro kapag nagpupupo. Sukat ba namang ako at si Ate Mile lagi ang nag-eeskoba nito e ke hirap-hirap linisin ng mantsa ng paa sa puting inodoro. Pero mabait na bata yan. Pwede mo ngang iwan sa ibabaw ng mesa yan maghapon e, di mahuhulog yan. Siguro nasanay yan kasama lagi ni Lola sa pagtatabas ng tahiin at sa mesa nasanay umupo.

Noong mag-aral 'yan sa San Joseph, dun sa madre, hatid-sundo pa ng traysikel. Samantalang, kami nga'y lakad lang lagi sa elementari. Pag umulan, lagot! Basa kung walang dalang kapote. Di pa uso nun ang payong na dinadala ng mga lalaki. Tutuksuhin ka sigurado sa klase na bakla. Atsaka, nakapustura 'yan ng uniporme na blue. Kuntodo sapatos at medyas na puti pa! Bigla ko tuloy naalala 'yung album ni ng Yano, yung kumanta ng Banal na Aso, Santong Kabayo. Aba e, ganung-ganun and hitsura na tsinelas namin. Gasgas at butas-butas ang gitna. Samantalang ang mga kabataan ngayon, nag-iilang pares ang havainnas! Nakakatawa nga ng bilhan ako ng asawa ko ng havainnas. Tanong nung tindera, "Ano ho ang size nyo?" Sabi ko di ko alam, ngayon lang kasi ako magkakarun nyang ganyang kamahal na tsinelas. Parang norm na lang na dapat marami kang pares. 'Yung asawa daw ni Pareng Jojo, aba'y mahigit kuwarenta ang pares. Grabe.

Buti na lang, sa UP nag-aral si Ate Aiza. Para lang daw sa matatalinong walang pera yung skul na yun. Ako kasi, wala lang pera kaya di ako natanggap dun. Bigla, turn-around ang ugali ni Ate Aiza. Notoryus kasi ang skul na yan sa pagiging radikal. Keys in poynt, si Alpon. Alam nyo gang napagkamalang pulubi iyan sa Sariaya dahil sa suot nyang maroon na shorts na gutay-gutay? Si Ate Aiza, tingin ko ay naging mas independent at higit na may konpidens sa sarili, no matter how tiny her boobs maybe. Totoo. Maliit ang boobs nyan. May old trick kasi ako na 'pag nasa dining table kami, pipilitin ko sila ni Ate Badette na kumain ng gulay, kahit anong gulay. Dahil kung di sila kakain ng gulay, malamang di lalake ang boobs nila. Pero kahit anong gulay yata e di papatok sa mga bata. Malamang ngayon, nagsisisi na sila. Sana nakinig na lang sila kay Kuya Dado. Hehehe. I've told you.

Ang akala ko, kapag nagkawork ka na, ibabalik naman nya ang paybor. Di pala. Nung nasa convergys pa yan, kow kalaki ng kumpanya na iyan. Dollars daw ang kita at kung magpasweldo, buong barangay ng Balubal pwede mong i-treat. Aysus! Areng aking pamangkin, user-friendly pa rin. Kunyari, tatawag sa iyo at mangungumusta. Yun pala'y sasabay umuwi dahil walang pamasahe. Di lang iyun, mag-aaya pang kumain. What do you expect sa wala na ngang pamasahe? I'll tell you, minsang kumain kami ng tsisburger sa cafe breton, nun lang 'yan nakakain ng totoong tsisburger. Bah! san ka naman nakakita ng tsisburger na mas malaki pa ang patty sa tinapay?!

Pero elibs ako ng umalis papuntang Dubai 'yan. Nag-ipon ng pamasahe. Bumili ng blackberry, at bibili pa ng pampasaherong sasakyan. Dami atik! Wala akong masabi. Para tuloy nakita ko si Ate Binda nung bata pa kami. Tuwing pasko, siya ang namimili ng damit namin. Di ko pa rin nalilimutan yung gift ni Ate Binda sa akin na Voltes V na damit. Kay Pune naman ay Mazinger-Z.

Ganyan talaga ang responsibilidad. Pana-panahon lang.

Hanggang sa muli kong pagsusulat, at pag-asang magbabayad pa ang mga nagkakautang sa akin, to wit:

Si Raffy Cortez, kaupisina ko - P5,000.00
Si Ate Aiza, pamangkin - P7,000.00
Si Gemma Aracena, classmate ko 'nung high-school - P3,500.00
Si John Nollido, staff ko sa Kenny Rogers - P2,500.00
Si Caloy, na nasa Dubai na rin - P650.00
Yung kinuha kong Ninang sa kasal na nasunog sa Pyramiding - P15,000.00
At si Lilet Dato, na pinakasalan ako matapos utangan ng P18,000.00

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Ngayon ko lang nabasa ito labs, di pa ba sapat yung bayad kong 250K citibank time deposit sa pangalan mo? HA????

7:11 PM  
Blogger rockstar737 said...

Daddy hahaha nakakatuwa....

8:08 PM  

Post a Comment

<< Home